Tuesday, October 12, 2010

♥♥♥

Matipunong lalaki, aking hinahangaan
Taong may prinsipyong pinanghahawakan
Makisig siya at may katabaan
Hindi ko siya nobyo ngunit kami'y nagmamahalan.

Lalakeng ito'y may pagkaloko-loko
Minsa'y pasaway at ginagaya ako
Daig pa ang batang laging nagbibiro
Siya'y nagpapasaya sa tuwing kami'y seryoso

Siya ang aking 'IRONMAN'
Bayaning hindi nang-iiwan
Sa oras ng kalungkutan at kagipitan
handa siyang lumapit upang ika'y damayan

Buthiing taong tinutukoy ko,
Ang siyang dailan kung bakit ako ganito
Bilang ganti sa kanyang mga sakripisyo
Siya'y mamahalin ko ng buong-buo


ÜÜÜ
Inspired by: Carlo S. Esposo
'Ang Aking Ama'

No comments:

Post a Comment