Tuesday, October 12, 2010

'BIGLAAN, MALABO'

+++
Isang kaibigang 'di inaasahan
Biglang dumating at nagbigay katuwaan
Sa tulad kong buhay ay pasan
Tipo ng taong aking hinangaan

Kaibigang 'to walang kasing tino
Hindi katulad kong may topak sa ulo
Akala ko noo'y 'di kami magkakasundo
Sinong mag-aakalang kapatid na pala ang turing sa'yo

Alam kong 'di niya ugali ang mang-iwan
kahit pagod ay laging maasahan
Sa oras na ika'y nangailangan ng sandigan
'Di siya nawawala't ika'y tutulungan

Kaybilis ng oras na siya'y nakasama ko
Biglaan akong nawala sa LISTAHAN ng puso mo
'Di man alam kung bakit lahat naglaho
Mananatili ka pa rin 'PO' sa aking puso

♥♥♥
Dedicated to: 'A Friend'
Ü
GONE

No comments:

Post a Comment